Pasyonista ka ba?

Marami sa atin ang may alam na kung ano ang “fashionista” — mga taong mahilig sa fashion, sa damit at accessories, at bongga kung isuot. Ito ang kanilang hilig, at nag-e-enjoy sila sa tuwing nakakakuha sila ng magagandang kasuotan.
Mas kaunti naman siguro ang may alam kung ano ang “passion”, marahil siguro hindi lahat ng tao ang nakararanas ng “silakbo ng damdamin” (ayon sa Google). Ang passion, o pasyon, ay maaaring iba-iba ang kahulugan. Matinding damdamin, galit man o pagmamahal. Sa kontekstong ito, doon tayo sa matinding pagmamahal, sa silakbo ng damdamin ng tao, sa ginagawa natin sa buhay.
Noong Biyernes, inilunsad ng Kaya Natin! Movement ang “Pasyonista”, isang bagong brand ng statement shirts na gustong ipamulat sa kabataan ang kahalagahan ng pagiging isang “pasyonista” para sa bayan.
Gawa ng kaibigan kong si Wendell at ng kanyang kaibigang photographer na si Joe, ang Pasyonista shirts ay may apat na disenyo na galing sa mga litrato ng Maynila na kuha ni Joe. Bawat isa ay may katanungang gustong iparating sa kabataan: “Will You Be a Hero?”, “Will You Inspire Change?”, “Will You Leave a Legacy?” at “Will You Stand Out?”
Gusto ng Pasyonista na maipakita sa mundo ang ganda ng bansa natin, ang galing ng Filipino, at ang passion na mayroon ang kabataan para sa ating mahal na bayan.
Nagkaroon kami ng fashion show upang ipakita ang mga T-shirt sa unang pagkakataon, at ang mga stylist at modelo namin ay puro volunteer, salamat sa kanilang pagiging fashionista. Kung ano man talaga ang iyong passion sa buhay, gagawin mo kahit walang bayad, hindi ba? Kaya gusto namin na maging “pasyonista” ang bawat Filipino na kabataan. Gusto namin sana na dumating ang pagkakataon na hindi lang puro drugs at gimikan ang gustong gawin ng kabataan. Sana magkaroon din sila ng pasyon para sa Pilipinas, pasyon para maging bahagi ng pagbabago sa bansa.
Magandang proyekto ang Pasyonista ng Kaya Natin dahil mismo ang mga nag-ayos ng fashion show para sa launch ay kabataan. Bidang-bida si Krz na siyang nag-ayos ng buong programa kasama si Wendell. Naroon din ang buong koponan ng mga kabataan ng Kaya Natin, lahat pasyonista para sa bayan. Pati ang mga modelo, ang mga host, ang mga musikero noong gabing iyon, kabataan na gusto lamang makatulong sa isang magandang bagay. Talagang may pag-asa pa ang ating bayan.
Nagpapasalamat ang buong Pasyonista team sa mga dumalo noong Biyernes sa Conspiracy sa Quezon City upang panoorin ang fashion show. Pinasasalamatan din namin ang mga Kaya Natin Champions na dumalo at sumuporta sa amin: sina Among Ed Panlilio, Cong. Bolet Banal, dating mayor Janjan Disomimba, at Mayor Baby Congco, mga pasyonistas din sa kanilang pagsilbi sa bayan.
Naroon din ang mga Kaya Natin Core Group, mga grabe rin ang pasyon: sina Ma’am Marisa, Sir Arnel, at Sir Jess — at alam kong hindi nila masyadong gusto kapag may “ma’am” at “sir” pa, pero ganoon talaga. Sana mas marami pang Filipino ang maging Pasyonista, at maramdaman ang “silakbo ng damdamin” para sa bayan.
Kung gusto niyong bumili ng Pasyonista shirts, tumawag sa 990-0928 at hanapin si Wendell o Krz. P350 lang bawat isa!
(via Abante Tonite)
It’s just a bad DAY, not a bad LIFE.
(via ynspirati)
According to one of the people I know who successfully made hundreds of thousands of money, anyone can get rich as long as they know this trick: Discipline —- Delaying Gratification.
(via jmgp)
WILL YOU BE A HERO?
T-shirt collaboration with Wendell Balderas for Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership.
Thanks to @errajhoy for taking these photos. ;)




