Pasyonista x KN. 
Pasyonista is a shirt line by Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership which aims to tickle minds with questions concerning how we, Filipinos, do our share in pushing the Philippines, and even ourselves, to its full potential.
I am privileged to have been given the opportunity to design these shirts for them before I started working with them full time.
I personally believe that WE CAN. And we can better this country sooner than we expect.
Please support our advocacy by availing one of these shirts for P350. You can send in your inquiries to the email address above or call us at the phone number indicated.
If it’s not too much to ask, please REBLOG this as well so many will know. :)
Merci beaucoup!

Pasyonista ka ba?

Marami sa atin ang may alam na kung ano ang “fashio­nista” — mga taong mahilig sa fashion, sa dami­t at accessories, at bongga kung isuot. Ito ang kanilang hilig, at nag-e-enjoy sila sa tuwing nakakakuha sila ng magagandang kasuotan.

Mas kaunti naman si­guro ang may alam kung ano ang “passion”, marahil siguro hindi lahat ng tao ang nakararanas ng “silakbo ng damdamin” (ayon sa Google). Ang passion, o pasyon, ay maaaring iba-iba ang kahulugan. Matinding damdamin, galit man o pagmamahal. Sa kontekstong ito, doon tayo sa matinding pagmamahal, sa silakbo ng damdamin ng tao, sa ginagawa natin sa buhay.

Noong Biyernes, inilunsad ng Kaya Natin! Movement ang “Pasyonista”, isang bagong brand ng statement shirts na gustong ipamulat sa kabataan ang kahalagahan ng pagiging isang “pasyonista” para sa bayan.

Gawa ng kaibigan kong si Wendell at ng kanyang kaibigang photographer na si Joe, ang Pasyonista shirts ay may apat na disenyo na ga­ling sa mga litrato ng Maynila na kuha ni Joe. Bawat isa ay may katanungang gustong iparating sa kabataan: “Will You Be a Hero?”, “Will You Inspire Change?”, “Will You Leave a Legacy?” at “Will You Stand Out?”

Gusto ng Pasyonista na maipakita sa mundo ang ganda ng bansa natin, ang galing ng Filipino, at ang passion na mayroon ang kabataan para sa ating mahal na bayan.

Nagkaroon kami ng fashio­n show upang ipakita ang mga T-shirt sa unang pagkakataon, at ang mga stylist at modelo namin ay puro volunteer, salamat sa kanilang pagiging fashionis­ta. Kung ano man talaga ang iyong passion sa buhay, gagawin mo kahit walang bayad, hindi ba? Kaya gusto namin na maging “pas­yonista” ang bawat Filipino na kabataan. Gusto namin sana na dumating ang pagkakataon na hindi lang puro drugs at gimikan ang gustong gawin ng kabataan. Sana magkaroon din sila ng pasyon para sa Pilipinas, pasyon para maging bahagi ng pagbabago sa bansa.

Magandang proyekto ang Pasyonista ng Kaya Natin dahil mismo ang mga nag-ayo­s ng fashion show para sa launch ay kabataan. Bidang-bida si Krz na siyang nag-ayo­s ng buong programa kasama si Wendell. Naroon din ang buong koponan ng mga kabataan ng Kaya Natin, lahat pasyonista para sa baya­n. Pati ang mga mo­delo, ang mga host, ang mga musikero noong gabing iyo­n, kabataan na gusto lamang makatulong sa isang magandang bagay. Talagang may pag-asa pa ang ating bayan.

Nagpapasalamat ang buong Pasyonista team sa mga dumalo noong Biyer­nes sa Conspiracy sa Quezon City upang panoorin ang fashion show. Pinasasalamatan din namin ang mga Kaya Natin Champions na dumalo at sumuporta sa amin: sina Among Ed Panlilio, Cong. Bolet Banal, dating mayor Janjan Disomimba, at Ma­yor Baby Congco, mga pasyo­nistas din sa kanilang pagsilbi sa bayan.

Naroon din ang mga Kaya Natin Core Group, mga grabe rin ang pasyon: sina Ma’am Marisa, Sir Arnel, at Sir Jess — at alam kong hindi nila masyadong gusto kapag may “ma’am” at “sir” pa, pero ganoon talaga. Sana mas ma­rami pang Filipino ang maging Pasyonista, at maramdaman ang “silakbo ng damdamin” para sa bayan.

Kung gusto niyong bumili ng Pasyonista shirts, tumawag sa 990-0928 at ha­napin si Wendell o Krz. P350 lang bawat isa!

(via Abante Tonite)